"Muntik Ng Maging Lovestory"
Part 1 by: Charles Saints
Natataranta kang gumising at pagkamulat ng mata mo, dinampot mo agad yung cellphone kagaya ng araw-araw na kinagawian mo para i-check kung meron syang goodmorning text na may 'i love you..muah muah". Pero walang laman yung inbox mo kahit mejo late ka na nagising. Saka mo nalang naalala na kagabi sinabi niya sayong, "Mahal kita.. pero i don't think that this relationship will last. I love you so much, that's why I need to let go."
 
Kahit muntik ng dumugo yung ilong mo dahil English, at di mo gaanong naintindihan, naiyak ka pa din. Tulo yung luha mo at uhog mo habang binabasa mo ng paulit ulit yung mga love letters na binigay nya, yung scrapbook na regalo niya nung 1st anniv niyo, yung singsing na nakatatak yung pangalan niyo sa likod, yung picture nya sa wallet mo at higit sa lahat... yung mga pangako ng forever na naka save pa din sa inbox mo. Period, no erase, padlock.
Nakatulog ka na lang dahil sa dami ng tubig na lumabas sa mata at ilong mo. Iniisip mo kung ano yung kulang.. ano yung mali.. ano yung nangyare.
 
Parang ito yung araw na ayaw mo na ayaw mong gumalaw sa kamang hinihigaan mo. Walang kang lagnat o kahit sinat pero parang sobrang bigat ng hita at balakang mo, parang ang bigat ng katawan mo pero higit pa dun yung sakit pusong 'arggggggggggggggg'... di mo maexpress.
 
Malaki pa yung eyebags mo kesa sa mata mo at parang nabiktima ka ng ipis kagabi dahil magang maga yung mata mo. Atleast natupad yung pangarap mong maging itsurang K-pop sa singkit mo ng mata dahil sa sobrang pag-iyak. Hindi mo alam kung ano yung gagawin mo. Di mo alam pano babangon, magpapatuloy, at kung ano yung next step na gagawin mo... LABAN BA O BAWI? PERA O BAYONG? ...
 
Sabi ng puso mo, "Wag mong pakawalan, itext mo na dali!". Pero sabi naman ng ego mo at pride mo sa katawan, "Madaming iba jan, ano s'ya sineswerte? S'ya lumayo ako magsosorry?!!"
Eto yung mga panahon na di mo alam kung bakit pati yung puso at ego mo e magkaaway. Kahit silang dalawa e may LQ at lalo kang naguguluhan. Kung susundin mo ba yung tibok ng puso mo, o mas paiiralin mo yung pride sa katawan mo.
 
Pride o puso? Di mo alam. Sa mga pagkakataong ganito, mas pipiliin mo pang umupo sa hot seat ni Boy Abunda o sumagot sa million peso kwestyon ni Bossing kesa pumili kung ano yung gagawin mo. Pero habang nag-iisip ka at nagtitimbang kung ano yung susundin mo..
Unti-unti at dahan-dahan ding bumabalik lahat ng mga memories ninyong dalawa sa isip mo. Lahat ng sweet moments ninyong dalawa, lahat ng kikiam, siomai at fishball na naubos niyo habang nagmomovie marathon, lahat ng mga memories na masaya... yung nakangiti lang kayong dalawa na parang may sarili kayong mundo... mata sa mata nagkakatitigan kayo at nalilimutan niyo lahat.
 
Di mo namamalayan, may parang maalat ka ng natitikman sa labi mo... umiiyak ka na pala. Natigil yung pagpatak ng luha mo nung isiniksik ng ego mo lahat ng mga masasakit na pinagdaanan niyo, lahat ng di pagkakaintindihan, selosan, inisan at kawalan ng oras... "Hindi naman ikaw ang may mali....!", sabi ng utak mo, na iba naman sa sinasabi ng puso mo.
 
Pumikit ka saglit at dahan dahang nag-isip habang umiiyak ka..at tumutulo sa pisngi mo yung luhang di mo mapigil kahit na gusto mo ng tumigil umiyak.. isinandal mo ulit yung ulo mo sa unan.. at biglang....
 
"Anak, tama na yung drama mo jan.. tanghali na.. gutom lang yan.. ikain mo na. Babalik din yan.", nakangiting sabi ng nanay mo habang kita sa mata niya yung lungkot na pinagdadaanan mo.

Views: 310

Comment

You need to be a member of RecruitingBlogs to add comments!

Join RecruitingBlogs

Subscribe

All the recruiting news you see here, delivered straight to your inbox.

Just enter your e-mail address below

Webinar

RecruitingBlogs on Twitter

© 2024   All Rights Reserved   Powered by

Badges  |  Report an Issue  |  Privacy Policy  |  Terms of Service